Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2017
Imahe
KAHIRAPAN Ang kahirapan ay isyu na noon pa man at noon pa man din ay isa lang ang laging sinisisi kung bakit patuloy na mas rumarami ang mahihirap. Sila ay ang mga pinuno ng bansa. Nasa maling pamamalakad nga ba nila ang pagkakamali at sila nga ba ang may kasalanan ng lahat o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga, "Hindi kasalanan ang pera, nagiging kasalanan lang ito dahil sa maling paggamit" kaya hindi lang dapat isa ang ang nasisisi sa ganitong isyu. May mga rason kung bakit silang mga mas nakatataas ay dap at sisihin at kung bakit tayo rin ay dapat masisi. Oo, nasa gobyerno ang malaking kaperahan ng bansa at alam nating lahat na laganap ang korupsyon, maling pagprayoridad ng may hawak ng pera, pagmamalabis at pagtatago ng pera ng ilan at hindi ito pinaiikot ng maayos. Ngunit minsan ba hindi sumagi sa isip natin na may mga kamalian din tayo kung bakit patuloy tayong naghihirap. Nagiging palaasa tayo sa gobyerno. Walang edukasyon, traba